Saturday, November 16, 2024

HomeNewsLalaki, patay matapos pagsasaksakin sa Naval, Biliran

Lalaki, patay matapos pagsasaksakin sa Naval, Biliran

Naval, Biliran— Nauwi sa trahedya ang problema ng magkakamag-anak nang saksakin ng isang tiyuhin ang kanyang pamangkin dakong 5:40 ng hapon noong Linggo, Sept 4, 2022 sa Sitio San Roque, Brgy. Larrazabal, Naval, Biliran.

Kinilala ni Naval Chief of Police Police Major Ryan Delima ang biktima na si Lester Paul Castil y Cabanganan, 27, walang trabaho, may live-in partner, residente sa Sitio San Roque, Brgy. Larrazabal, Naval, Biliran. Nakilala naman ang suspek na si Camilo Cabanganan y Delfin, 58, may asawa, Lechon Dealer, naninirahan sa Brgy. Smo. Rosario, Naval, Biliran.

Ayon sa pulisya, isang concerned citizen ang nagreport sa Naval Municipal Police Station na may nangyaring pananaksak sa nasabing lugar at agad na nagtungo ang mga tauhan ng police station sa lugar ng insidente upang i-verify ang katotohanan ng ulat.

Agad na dinala ang biktima ng mga tauhan ng Naval Rescue Unit (NAVRU) sa Biliran Provincial Hospital ngunit dineklara itong Dead on Arrival.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagkaroon ng mainit n a pagtatalo ang suspek at ang biktima bago ang insidente ng pananaksak.

Ang suspek ay nasa kustodiya ng Naval MPS habang hinahanda pa ang kasong Murder na isasampa sa kaniya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe