San Remigio, Antique- Namahagi ang lokal na pamahalaan ng San Remigio sa Antique ng sako-sakong bigas para sa mga senior citizen na residente ng nasabing bayan kapalit ng kanilang pagpapabakuna sa CoVID-19 vaccine.
Iyan ay isinakatuparan ni Mayor Margarito Mission Jr. bilang inisyatibo upang mas mahikayat pa ang mga residente lalo na ang mga senior citizen dahil ang kanilang bayan ay may pinakamababang CoVID-19 vaccination coverage sa buong lalawigan ng Antique.
Ang programa ay bahagi sa PinasLakas campaign na may layuning bakunahan ang lahat ng mga residente upang mapagtagumpayan pa nating malabanan ang CoVID-19 pandemic.
Ayon pa ni Mayor Mission, namahagi sila ng tigsa-sampung kilo ng bigas para sa mga senior citizen na magpapabakuna at mag avail sa mga booster doses.
Dagdag pa niya na nasa siyam pa lamang na mga senior citizens ang naka-avail sa Covid-19 vaccination na ginanap sa town public market simula nang inilunsad ito nitong August 17.
Inaasahan nila na mas dadami pang mga senior citizen sa bayan ang magpapabukana sapagkat naglaan sila ng nasa 2,000 sako ng bigas upang ipamimigay.
“I am really appealing to our seniors to avail of the vaccination and not be afraid of its after effect,” dagdag pa niya.
Nitong Agosto 2 nakapagtala lamang ang Antique Integrated Provincial Health Office ng kabuuang 843 senior citizens na fully vaccinated mula sa San Remigio hindi nangalahati sa kabuuang 2,895 na mga miyembro nito.