Friday, November 15, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsMiyembro ng CTG, arestado sa Negros Oriental

Miyembro ng CTG, arestado sa Negros Oriental

Arestado ang isang 50 anyos na lalaki na aktibong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Guihulngan City, Negros Oriental ng mga operatiba ng 62nd Charlie Company, Philippine Army nito lamang Linggo, Hunyo 12, 2022.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Macario Lamdisa Fat, 50 taong gulang, aktibong miyembro ng Communist Terrorist Group sa ilalim ng Leonardo Panaligan Command 1 Central Negros.

Ayon pa sa imbestigasyon naaresto si Macario bandang 2:30 ng hapon sa Sitio Anahaw, Brgy. Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental ng mga operatiba ng 62nd Charlie Company, Philippine Army at kalaunay dinala sa Guihulngan PNP para sa karagdagang dokumentasyon.

Nakuha sa suspek ang isang (1) Colt .45 Caliber Pistol na may Serial No. 234913, dalawang (2) magazine na may labing dalawang (12) live ammo, at holster belt/magazine pouch.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Guihulngan City Police Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act ang suspek.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe