Tuesday, December 24, 2024

HomeRebel News4 NPA patay, 6 High- Powered Firearms nakumpiska sa Negros Occidental

4 NPA patay, 6 High- Powered Firearms nakumpiska sa Negros Occidental

Patay ang apat na miyembro ng New People’s Army habang nakumpiska naman ang anim na high-powered firearms sa isang encounter na naganap sa Barangay Carabalan sa Himamaylan City, Negros Occidental kahapon, Marso 1, 2023.

Nangyari ang encounter matapos makatanggap ang mga awtoridad ng impormasyon kaugnay sa mga kahina-hinalang indibidwal na nagbabalak mangikil sa nasabing lugar.

Agad nagsagawa ng combat operation ang mga tauhan ng 94th Infantry Battalion ng Philippine Army na nauwi sa 20 minutong sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng mga rebeldeng NPA.

Tinatayang nasa humigit kumulang 20 mga rebelde ang nakasagupa ng mga sundalo sa nasabing encounter site na agad namang tumakas at iniwan ang nasawi nitong mga kasamahan.

Kabilang sa nakumpiska ng mga awtoridad ang dalawang M16 rifle; dalawang AK47; apat na M203 grenade launcher ammunition; apat na bandolier; isang hand grenade; dalawang M16 long magazine; dalawang M16 long magazine; anim na AK47 magazine; isang AK47 magazine na unserviceable; siyam na backpack; at iba pang mga kagamitan at subersibong mga dokumento.

Samantala, patuloy pa ring hinihimok ng mga awtoridad ang iba pang natitirang mga miyembro na kasalukuyan pang nasa ilalim ng rebeldeng samahan na tuluyan ng sumuko at magbalik-loob sa pamahalaan. Sapagkat handa ang gobyerno na sila ay tulungang magsimula ng panibagong mga buhay malapit sa kani-kanilang mga pamilya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe