Monday, May 20, 2024

HomeViral3 Magkakapatid sa Southern Leyte, parehong June 2 ipinanganak

3 Magkakapatid sa Southern Leyte, parehong June 2 ipinanganak

Maliban sa mag-asawang Herbert at Pamn Faye Cabañero sa Pakil, Laguna na may tatlong anak na puro January 27 ang mga birthday, may mag-asawa din sa Bontoc, Southern Leyte na parehong June 2 ang mga birthday ng tatlong anak na mga lalaki.

Sina Martine Bermiso, Sr. at Marites Florida ay may tatlong anak na sina Marc Jade, pinanganak noong June 2, 2015, si Martine Jr., pinanganak noong June 2, 2019, at si Marc Aurillius na pinanganak naman noong June 2, 2021.

I-pinaalam ni Marites na meron din silang ganun sa pamilya nang mabasa niya ang isang ulat tungkol sa pagkakaroon ng magkakaparehong birthday ng magkabiyak na Cabañero sa Pakil, Laguna ng tatlo nilang anak na sina McClean Herz, si Lady Lemon Faith, at McHerly Gold na pinanganak January 27, 2017, January 27, 2020, at January 27, 2023, ayon sa pagkakasunod.

“Meron din kaming ganyan sa aming pamilya,” sinulat ni Marites sa comment section ng naturang post nitong Sabado, February 25, 2023.

Si Marites at partner na si Martine, Sr. at kanilang tatlong mga anak na lalaki na puro June 2 ang mga birthday, ay naninirahan sa Barangay Cawayanan sa bayan ng Bontoc sa probinsiya ng Southern Leyte.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe