Tuesday, December 24, 2024

HomeNews2,600 katao sa Cebu, tatanggap ng P3,000 cash aid mula kay Senator...

2,600 katao sa Cebu, tatanggap ng P3,000 cash aid mula kay Senator Marcos

Hindi bababa sa 2,600 katao ang makakatanggap ng tig-P3,000 cash assistance mula kay Senator Imee Marcos na bumisita sa Cebu sa distribution ng cash aid sa Sports Complex sa Minglanilla, Cebu noong Sabado, Pebrero 18, 2023.

Sa kabuuang bilang ng mga benepisyaryo, 1,000 ay mula sa Minglanilla, 1,500 mula sa Naga City at 100 mula sa Barangay San Roque, Talisay City na mga naapektuhan ng sunog.

Ang mga target na benepisyaryo, na mga pawang kabilang sa mahihirap at marginalized sector, ay tinasa ng mga social worker ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bago ipamahagi ang tulong.

“Yes, I’m sure the beneficiaries who will receive financial assistance from the DSWD were carefully selected,” ani Minglanilla Mayor Rajiv Enad.

Ibibigay ni Senador Marcos ang pondo na nagkakahalaga ng P7.8 milyon, habang ang DSWD, sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations Program, ang hahawak sa pamamahagi.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe