Saturday, November 16, 2024

HomeNews2 arestado sa ipinagbabawal na droga sa San Enrique, Negros Occidental

2 arestado sa ipinagbabawal na droga sa San Enrique, Negros Occidental

San Enrique, Negros Occidental- Arestado ang dalawang drug personality sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok 2, Brgy. Nayon, San Enrique, Negros Occidental nitong Hulyo 11, 2022.

Kinilala ang mga suspek na sina Resby De Pedro y Gorre alyas EM, 44 anyos, single, walang asawa at residente ng Purok 2, Brgy. Nayon, San Enrique, Negros Occidental at Rhodora Diwatin y Gumbao, 41 anyos, may asawa at residente ng Pusod Gamay, Brgy 19-A, Victorias City, Negros Occidental.

Nakumpiska ng mga tauhan ng San Enrique Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Sammy A Gasatayaguil, Station Drug Enforcement Team, Team Leader sa dalawang suspek ang isang (1) malaking sachet ng hinihinalang shabu, isang (1) nakabukas na sachet ng parehong shabu,at  tatlong (3) drug paraphernalias. 

 Tinatayang nagkakahalaga na Php 15,000.00 o katumbas sa isang (1) gramo ng shabu ang lahat ng mga nakumpiska.

Nasa kustodiya na sa ngayon ng San Enrique Municipal Police Station ang dalawang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe