1st RD’s Cup Shooting Competition, inilunsad sa Leyte

    0
    116

    Matagumpay na inilunsad ng Police Regional Office 8 (PRO8) ang kauna-unahang 1st RD’s Cup, sa pamumuno ni PBGEN Jason L. Capoy, Regional Director PRO8, sa pamamagitan ng isang Level 2 PPSA Sanctioned Shooting Match na isinagawa sa Matalas Shooting Range, Brgy. Barayong, Palo, Leyte simula Agosto 29, 2025.

    Ang tatlong-araw na kumpetisyon ay inorganisa sa pakikipagtulungan ng MATALAS Shooter Inc. at nilahukan ng mga pangunahing opisyal ng PRO8 sa unang araw, kabilang sina PBGEN Salvador T. Alacyang (Deputy Regional Director for Administration), PCOL Dennis Jose S. Llavore (Deputy Regional Director for Operations), at PCOL Matthe L. Aseo (Chief Regional Staff).

    Kabilang din sa mga kalahok ang iba pang Chiefs of Regional Staff at mga miyembro ng iba’t ibang PNP support units kasama ang kani-kanilang mga shooting teams.

    Layunin ng RD’s Cup na paigtingin ang kahusayan sa marksmanship, disiplina, at estratehikong pag-iisip ng mga pulis sa rehiyon.

    Higit pa rito, naging daan ito upang mapalakas ang samahan, sportsmanship, at kooperasyon sa pagitan ng PNP at mga katuwang nitong ahensya sa lalawigan.

    Ang nasabing aktibidad ay patunay ng dedikasyon ng PRO8 sa pagpapabuti ng kakayahan at integridad ng kanilang hanay para sa mas epektibong pagpapatupad ng batas at serbisyo sa komunidad.

    Panulat ni Cami
    https://www.facebook.com/share/p/1LdJk7wjbD/