Saturday, November 23, 2024

HomePoliticsGovernment Updates19 sa 36 Barangay sa bayan ng Patnongon Antique, idineklarang Drug Free

19 sa 36 Barangay sa bayan ng Patnongon Antique, idineklarang Drug Free

Pormal ng idineklarang drug free barangay ang 19 barangay sa bayan ng Patnongon ng Regional Oversight Committee for Barangay Drug-Clearing Program sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA. 

Ang bayan ng Patnongon sa Antique ay mayroong kabuuang 36 barangay.

Ayon pa sa PDEA, ligtas na sa presensya ng ilegal na droga at mga drug personality ang nasabing mga barangay.

Sa inilabas na resolusyon ng PDEA, 19 na mga barangay ang idineklarang drug free, kabilang na riyan ang mga barangay ng Villa Solomon, Villa Sal, Villa Laua-an, Villa Flores, Villa Flores, Villa Ello, Tobias Flores, Tigbalogo, San Rafael, Salaguiwan, Quezon, Patlabawon, Magarang, Mabasa, Igburi, Amparo, Alvañiz, Cuyapiao at Gella.

Samantala, personal namang ibinahagi ni Mr. Francis Henry Colegado at Ms Alyssa Mae Zaragoza ng PDEA-Antique kay Mayor Johnny Flores Baconggalo ang mga idineklarang drug free barangay sa kanilang bayan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe