125th Philippine Civil Service Anniversary Fun Run, matagumpay na inilunsad sa Iloilo City

    0
    128

    Aktibong lumahok ang mga tauhan ng Police Regional Office 6 (PRO6) sa pagdiriwang ng ika-125 Philippine Civil Service Anniversary (PCSA) Fun Run na ginanap sa Iloilo Freedom Grandstand, Muelle Loney, Iloilo City nito lamang ika-7 ng Setyembre 2025.

    Kasama ng halos 2,000 na opisyal ng pamahalaan, unipormadong kawani, empleyado, pamilya, at mga runner athletes ay buong giting na sumali ang mga awtoridad ng PRO6 Runners sa 5km, 3km, at 1km wellness run.

    Layon ng aktibidad na ito na isulong ang pagkakaisa, malasakit, at kalusugan sa hanay ng mga lingkod-bayan.

    Hindi lamang pisikal at mental na kalusugan ang binigyang-diin ng nationwide event, kundi pati na rin ang pagsuporta sa Pamanang Lingkod Bayani (PLBi) Program—isang inisyatiba na tumutulong sa mga naiwang pamilya ng mga lingkod-bayang nag-alay ng buhay sa pagtupad ng tungkulin.

    Muling pinagtibay ng mga lumahok ang kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kalusugan, pisikal na kasiglahan, at kabuuang kagalingan—isang malinaw na patunay na ang malakas at malusog na hanay ng kapulisan ay pundasyon ng matatag at epektibong paglilingkod sa sambayanan.

    Source: PRO6 FB PAGE