Sa bisa ng Senate Bill No, 1964 o ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act,” tagumpay na isinulong ni Senator Ramon Bong Revilla, Jr. na inaasahan sa taong 2025, buo ng matatanggap ng mga public school teacher ang 10K Teaching Allowance.
Ang naturang allowance ay dating Teaching Supplies Allowance o mas kilala bilang “chalk allowance” alinsunod sa special provision ng General Appropriations Act sa ilalim ng annual budget ng Department of Education, kung saan bibigyan ang bawat guro ng Php5,000.
Sa ilalim ng nasabing batas, magkakaroon ng adjustment period simula ngayong taon (2024), kung saan makakatanggap ang bawat guro ng Php7,500 at sa 2025 naman nila matatanggap ang buong 10K teaching allowance.