Ang World Vision Philippines at Korea International Cooperation Agency (KOICA) ay nagbigay ng bigas at noche buena packages sa barangay health workers (BWHs) at barangay nutrition scholars (BNS) sa mga munisipalidad ng Silvino Lubos, Laoang, Palapag at Pambujan sa Northern Samar.
Sa kabuuan ay mayroong 505 BWH at BNS ang nakatanggap ng 10 kilo ng bigas at noche buena package, 175 mula sa Pambujan, 138 mula sa Laoang, 86 mula sa Silvino Lubos, at 106 mula sa Palapag.
Ang World Vision at KOICA ay nakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan upang mapabuti ang kalagayan ng kalusugan at nutrisyon ng mga ina at mga anak sa pamamagitan ng kanilang Maternal, Newborn and Child Health Project sa buong Eastern Visayas.