Wednesday, December 25, 2024

HomeNational NewsWomen in Medicine in Asia, inilunsad ng Operation Smile

Women in Medicine in Asia, inilunsad ng Operation Smile

Ipinagdiriwang ng All-female team ng Operation Smile ang mga volunteer cleft care professional mula sa 12 bansa ang pagtatapos ng anim na araw na educational at medical mission na kamakailan inilunsad sa Cebu City, ang Women in Medicine in Asia.

Ang multinational team ay nagsagawa ng isang araw na forum sa women’s empowerment sa propesyon sa kalusugan na sinundan ng limang araw na libreng operasyon sa 59 na batang may cleft lip at cleft palate sa Cebu City Medical Center.

Ang co-founder at presidente ng Operation Smile na si Kathleen Magee, ay lumipad mula sa U.S. upang pangunahan ang paglulunsad ng programa.

Ang Women in Medicine ay isang bagong pandaigdigang inisyatiba na naglalayong hikayatin ang mga kababaihan na lumahok sa propesyon sa pangangalagang pangkalusugan, at mabigyan sila ng kapangyarihan na gampanan ang kanilang tungkulin at pamunuan ang kani-kanilang larangan.

Ang programa ay nilikha bilang tugon sa panawagan ng World Health Organization (WHO) para sa mga kababaihan na maisulong ang makabuluhang pagbabago sa pandaigdigang pangangalaga sa kalusugan.

Ang mga kababaihan ay binubuo ng 70 porsiyento ng mga propesyonal sa kalusugan ngunit sumasakop lamang ng 25 porsiyento ng mga posisyon sa pamumuno. Sinabi ng WHO na ang mundo ay nangangailangan ng 18 milyong higit pang mga propesyonal sa kalusugan upang makamit ang pangkalahatang saklaw ng kalusugan. Sa Pilipinas, nasa 290,000 ang gap sa mga health professional.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe