Friday, November 22, 2024

HomeNewsWestern Visayas: Orange Rainfall Warning itinalaga ng PAG-ASA sa Aklan at Antique,...

Western Visayas: Orange Rainfall Warning itinalaga ng PAG-ASA sa Aklan at Antique, Yellow Rainfall Warning naman sa Capiz at Iloilo

Ayon sa pinakahuling update mula sa PAGASA nito lamang ika-13 ng Setyembre 2024 bandang alas 5:00 ng umaga, nananatiling nasa Orange Rainfall Warning ang mga probinsya ng Aklan at Antique, habang nadagdag ang Capiz at Iloilo sa Yellow Rainfall Warning. 

Ang Southwest Monsoon o Habagat ay nagdadala ng malakas na ulan, na nagdudulot ng banta ng pagbaha sa mga mababang lugar at posibleng landslide sa mga bulubunduking bahagi.

Ang mga bayan sa AKLAN na napapaloob sa Orange Rainfall Warning ay ang  Buruanga, Malay, Nabas, Ibajay,  habang sa ANTIQUE naman ay ang Bayan ng Pandan, Libertad, Sebaste, Culasi, Tibiao, Barbaza, Laua-An, Bugasong, Valderrama, Patnongon, Belison, San Jose, San Remigio, Hamtic, Sibalom, Anini-Y, at Tobias Fornier.

Samantala ang mga lugar na napabilang sa Yellow Rainfall Warning ay ang mga bayan ng Tangalan, Makato, Numancia, Kalibo, Lezo, Banga, Libacao, Madalag, Malinao, Balete, New Washington, Batan, at Altavas sa AKLAN, habang sa probinsya naman ng CAPIZ ay ang bayan ng Jamindan at Tapaz, nasama din ang bayan ng  San Joaquin at  Miagao sa ILOILO.

Ang sitwasyon ay patuloy na binabantayan, at ang mga residente ay pinapayuhang manatiling alerto at magmonitor ng lagay ng panahon.

Ang mga awtoridad ay naghahanda sa posibleng epekto ng masamang panahon, at patuloy na nagpapaalala sa publiko na sundin ang mga abiso at patnubay mula sa kanilang lokal na pamahalaan. 

Sa gitna ng patuloy na banta ng pagbaha at landslide, mahalaga ang kooperasyon ng lahat upang mapanatiling ligtas ang bawat isa.

Ipinapayo ang patuloy na pakikinig sa mga anunsyo ng mga kinauukulan at pagtalima sa mga hakbang pangkaligtasan, gaya ng agarang paglilikas kung kinakailangan. 

Huwag ipagsawalang-bahala ang mga babala upang maiwasan ang anumang sakuna at masigurado ang kaligtasan ng pamilya at komunidad.

Source: DYVR RMN ROXAS 657 khz

Panulat ni Justine

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe