Saturday, December 28, 2024

HomeNewsVice Chairman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, arestado sa kasong Homicide sa...

Vice Chairman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, arestado sa kasong Homicide sa Negros Occidental

Negros Occidental- Sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng pinagsanib na pwersa ng PNP at Philippine Army, naaresto ang ika limang most wanted sa siyudad ng Silay sa kasong Homicide sa Barangay San Jose, Toboso, Negros Occidental, nitong Martes ng umaga, ika-10 ng Oktubre, 2023.

Ang pagsisilbi ng warrant of arrest ay sa pangunguna ng Tracker Team ng 1st Negros Occidental Provincial Mobile Force Company, kasama ang PIU, NOCPPO; Toboso MPS; Silay CCPS; 2nd MP, 605th MC, RMFB6; 65SAC, 6SAB, PNP-SAF; Bacolod MARPSTA; PIT NEGROS, at Bravo Company ng 79IB, 303rd IBde, 3ID, PA.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonol Edison N Garcia, Force Commander ng 1st NOCPMFC ang akusado na si Benny Alibutdan, Vice Chairman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, miyembro ng Northern Negros Front (NNF), Komiteng Rehiyon-Negros Cebu Bohol Siquijor (KR-NCBS) Non-Periodic Status Report Listed (NPSRL) at Vice Chairman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Ang warrant of arrest na isinilbi sa akusado ay inisyu ni Judge Dyna Doll Chiongson Trocio ng Silay City Regional Trial Court Branch 40 noong ika-22 ng Marso, 2022, at may rekomendasyong P120,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan habang iniimbestigahan ang kanyang kaso.

Ang akusado ay isinailalim ng Toboso Municipal Police Station sa tamang dokumentasyon bago ilipat sa Silay City Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Ang matagumpay na pag-aresto ay patunay na ang PNP kaisa ang ibang ahensya ng pamahalaan at sa lumalawak na suporta ng mamamayan ay magpapatuloy sa paglaban ng krimininalidad at insurhensya upang mapanagot ang mga nagkasala sa batas at sa ating lipunan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe