Thursday, July 4, 2024

HomeNewsVendor, patay sa pamamaril sa Negros Oriental

Vendor, patay sa pamamaril sa Negros Oriental

Bayawan City, Negros Oriental – Patay ang isang vendor ng pagbabarilin ng isang gunman sa GV Subdivision, Brgy. Villareal, Bayawan City, Negros Oriental nito lamang Lunes, Nobyembre 07, 2022.

Kinilala ang biktima na si Juwim Estiñoso y Cofreros, 38, residente ng Brgy Poblacion, Bayawan City, Negros Oriental at dating kandidato sa pagkakonsehal sa lungsod ng Bayawan City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bayawan City Police Station, habang nagtitinda ng fried chicken bilang kabuhayan ang biktima ay nilapitan ito ng isang gunman na nagkunwaring bibili, at walang habas na pinagbabaril ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Matapos ang insidente ay naglakad ang suspek patungo sa National Highway, at agarang sumakay sa isang Raider 150 na motorsiklo at tumakas.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 4 na fired cartridge ng Cal. 45 pistol, isang slug at isang Oppo cellphone. Samantala, narekober naman sa food cart ng biktima ang isang tactical black sling bag na naglalaman ng Cal. 45 Taurus pistol na may 5 live ammunition at isa pang Oppo cellphone.

Hindi pa tukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek at ng motibo nito sa pagpatay.

Kasalukuyan ng nagsasagawa ng Oplan Tambayayong ang Bayawan City Police Office para sa agarang pagdakip sa suspek.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe