Friday, November 22, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesUsaping pangkapayapaan ng CPP-NPA, binatikos ni PNP OIC Danao matapos ang encounter...

Usaping pangkapayapaan ng CPP-NPA, binatikos ni PNP OIC Danao matapos ang encounter sa Samar

Binatikos ni Philippine National Police Officer-In-Charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. ang kapangahasan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na isulong ang muling pagbuhay sa usaping pangkapayapaan kasunod ng pananambang na ikinasawi ng isang pulis sa Samar.

Isang baguhang pulis na si Pat. Mark Monge ang namatay matapos tinambangan ng 10 miyembro ng NPA ang mga pulis sa isang humanitarian activity sa boundary ng Barangay San Nicolas sa bayan ng San Jose de Buan, at Barangay Mabuhay sa bayan ng Gandara nitong Hulyo 16.

Tinatayang nagtagal sa limang minuto ang bakbakan, nakipagputukan ang pulisya  sa mga rebeldeng komunista na kalauna’y tumakas patungo sa hilagang-silangan ng encounter site.

Binatikos ni Danao ang teroristang grupo dahil sa kanilang “walang kabuluhan at walang pusong gawain” na nagpuntirya sa mga pulis na nagsasagawa lamang ng programa sa pagpapaunlad ng komunidad.

“You (CPP-NPA) are now talking about peace talks. Anong klaseng peace talks yan? Alam niyo kung puwede lang baligtarin, ako ang a-ambush mismo sa inyo sa totoo lang. Nakakasama ng loob. Alam niyo itong mga statement na ayaw ko sana sabihin kasi nakakaiyak,” sabi ni PLtGen Danao sa flag-raising rites nito lamang Lunes, Hulyo 17, 2022 sa Camp Crame, Quezon City.

“Kapag kayo ang gagawa ng kalokohan, walang human rights pero kapag pulis ang pinatay ninyo wala ring human rights. Yung mga tao natin doon were trying to give assistance to those who are in need, medical assistance in whatever capacity that they can do (pero) unfortunately, tinambangan ninyo sila,” ani Danao.

Samantala, nakiramay naman si Danao sa pamilya ng napatay na pulis. “Nawa’y magpahinga sa kapayapaan ang kaluluwa ni Pat. Mark Monge na nag-alay ng pinakamataas na sakripisyo sa pagpapanatili ng katahimikan ng ating dakilang bansa,” dagdag pa niya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe