Thursday, July 4, 2024

HomeUNO-R LET topnotcher: ‘Surround yourself with dreamers and supporters’

UNO-R LET topnotcher: ‘Surround yourself with dreamers and supporters’

Nagbigay ng paalala ang topnotcher mula sa University of Negros Occidental Recoletos sa Bacolod City, para sa lahat ng mga nagbabalak kumuha ng anumang uri ng board exam, na manatiling positibo at makihalubilo sa mga taong may magandang pangarap sa buhay.

Si Andrea Nicole Sumugat, ang isa sa mga topnotcher sa Licensure Examinations for Professional Teachers na isinagawa nitong nakaraang Marso 2023.

Nagtapos si Sumugat bilang Summa Cum Laude sa University of Negros Occidental-Recoletos sa kursong Bachelor of Elementary Education noong Hunyo ng nakaraang taon.

Ayon pa ni Sumugat na hindi niya ni minsan inisip na kabigatan ang pagiging Summa Cum Laude, bagkus ginawa niya itong sandigan at dahilan upang magsumikap pa sa paghahanda sa nasabing board exam.

Kasama ni Sumugat ang lima pang mga LET taker na nakakuha ng 92.20% rating sa No. 1 spot sa Elementary Level.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe