Nakakuha ng 100% overall passing rate ang University of Saint La Salle sa Bacolod City sa kalalabas lamang na resulta ng 2023 CPA Board Exam.
Iyan ay matapos pumasa ang lahat ng 19 takers mula sa Pamantasan sa nasabing Licensure Examination for Certified Public Accountants na ginanap nito lamang Mayo 2023.
Sa inalabas na resulta ng Professional Regulations Commission, tinatayang nasa 13 ang first-time-taker mula sa Pamantasan habang anim naman ang mga repeater na nakapasa sa naturang board exam.
Dahil sa nakuha nitong passing rate sa naturang board exam, itinanghal ang USLS na best performing accountancy school sa Bacolod City at sa buong lalawigan ng Negros Occidental.
Kabilang sa 19 na bagong Lasallian CPAs sina Robert John Bacusa, Camille Marie Briones, Pearlene Joy Calibo, Christine May Camaymayan, Jorge Louis Detoyato, Jose Mario Sergio Diaz, Renerey Doruelo, Maita Cielo Flores, Angelica Louise Gomes, Honey Claire Madrigal, Lois Ann Keziah Jose, Nap Brando Mahinay, Arnie Lyn Maratas, Maria Lyn Nanagad, Vanessa Olac, Evna Trisha Reboton, Khris Aira Sales, Edreah Nicole Sinining, at Paulhynn Tupas.
Samantala, nakuha naman ni Alexander Salvador Cention Bandiola, Jr. mula sa University of the Cordilleras ang Top 1 sa naturang board exam na may rating na 89.50.