Sunday, January 5, 2025

HomeNewsUnang tatlong bahay para sa mga dating rebelde sa liblib na bayan...

Unang tatlong bahay para sa mga dating rebelde sa liblib na bayan ng Samar, natapos na

Nasa tatlong bahay para sa mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang natapos sa unang anim na linggo ng konstruksyon sa bayan ng San Jose de Buan sa lalawigan ng Samar.

Sinabi ni Brig. Gen. Lenart Lelina, 801st Infantry Brigade Commander, ang mga bahay ay bahagi ng 17 units na pinondohan ng pamahalaang panlalawigan sa tulong ng mga private donor.

Ayon kay Lelina, “Nakumpleto ang unang tatlong unit sa pamamagitan ng pagsisikap ng mga tauhan ng Army, pulis, local government units ng San Jose de Buan, at mga dating rebelde. We still have to set schedule for the turnover”.

Tinaguriang “Saad nga Balay ha mga Peacebuilders han San Jose de Buan” (mga pangakong bahay para sa mga dating rebelde), ang semi-concrete housing project ay makikinabang ang 38 dating rebeldeng NPA, 17 sa kanila ay inuna at inaasahang makakatanggap ng kanilang mga yunit bago ang pagtatapos ng taon.

Prayoridad ang mga walang tirahan na dating rebelde, may asawa at anak at mga residente ng San Jose de Buan.

Kabuuang Php4 milyon ang inilaan para sa pagtatayo ng permanenteng silungan ng mga dating rebelde.

Ang proyekto ay matatagpuan malapit sa sentro ng bayan, na ang bawat yunit ay nakatayo sa isang lot area na 100 metro kuwadrado.

Sinabi ni Lelina na bukod sa mga permanenteng bahay, magbibigay din ang lokal na pamahalaan ng training center at farm lot para sa agriculture-related livelihood activities.

Bukod sa pagpapadali sa pagsasama ng mga dating rebelde sa mainstream society, inaasahang mahikayat ng mga proyekto ang mga miyembro at tagasuporta ng komunistang grupo na sumuko din at makinabang sa mga benepisyong ibinibigay ng gobyerno upang maranasan nilang mamuhay nang payapa.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe