Tuesday, July 2, 2024

HomeUnang phase ng konstruksyon ng access road patungo sa Pinipisakan Falls sa...

Unang phase ng konstruksyon ng access road patungo sa Pinipisakan Falls sa San Jorge, Samar, natapos na ng DPWH

Inanunsyo ng Samar First District Engineering Office na nakumpleto na nito ang unang phase ng konstruksyon ng access road ng multi-milyong halagang proyekto na kalsada patungo sa Pinipisakan Falls nitong Hunyo 12, 2023.

Ang Pinipisakan Falls ay matatagpuan sa Bayan ng San Jorge kung saan isa ito sa mga pinakamagandang waterfalls na dinarayo ng mga turista sa lalawigan ng Samar.

Ang nasabing proyekto na may habang 9.90 kilometers mula sa Barangay Blanca Aurora hanggang sa Barangay Bay-ang ay inaasahang makakatulong sa pagpapalakas ng turismo sa pamamagitan ng paglikha ng trabaho para sa mga mamamayan ng nasabing bayan.

Ang unang phase ng proyekto ay pinunduhan ng Php4.65 milyon sa ilalim ng Tourism Road Infrastructure Program (TRIP) mula sa General Appropriations Act (GAA) FY 2022 habang nagpapatuloy naman ang second phase ng proyekto sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) FY 2023.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe