Thursday, January 23, 2025

HomeUncategorizedTurn-over ng Sustainable Livelihood Project for Fisherfolks Association, isinagawa sa Capiz

Turn-over ng Sustainable Livelihood Project for Fisherfolks Association, isinagawa sa Capiz

Capiz- Isang seremonya ng pamamahagi ng mga karagdagang Sustainable Livelihood Projects para sa mga asosasyon ng mga mangingisda ang idinaos sa Barangay Barra at Libas sa Roxas City nito lamang ika-28 ng Agosto 2024.

Ang seremonya ay pinangunahan ni Governor Fredinel “OTO” Castro, Gobernador ng Capiz, kasama ang mga awtoridad sa Capiz at ang mga kinatawan mula sa sektor ng Agrikultura.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang mga Brgy. Officials at mga Pangulo ng Fisherfolk Associations pati narin ang kanilang mga miyembro. 

Ang Brgy. Libas Small Fisherfolks Association at Barra Fisherfolks Association ay tumanggap ng Water Refilling Station na may kasamang delivery tricycle na nagkakahalaga ng Php1,000,000 bawat isa. 

Naging tulay ang programa ng mga awtoridad sa Capiz, upang mabigyang tulong ang mga nabanggit na asosasyon para makakuha ng suporta mula sa pamahalaan. 

Dagdag pa rito, ang mga plano, programa, at mga susunod na hakbang para sa iba’t ibang asosasyon ay nabuo ng mga nasabing awtoridad sa pamamagitan ng pagsasagawa ng needs assessment evaluation upang matukoy ang nararapat na sustainable livelihood project. 

Pinuri ni Gobernador Castro ang mga pagsisikap ng mga awtoridad sa Capiz sa pag-organisa ng mga marginalized sectors upang matugunan ang mga ugat ng mga suliraning kinakaharap nila. 

Binigyang diin nilang patuloy sila na magsusulong ng mga programang magdudulot ng kaunlaran ng bawat mamamayan sa kanilang komunidad lalo na sa mga sektor na lubos na nangangailangan.

Source: PCADG Western Visayas

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe