Nakuha ng Technological University of the Philippines Visayas ang top performing school sa Chemical Technician Licensure Examination na isinagawa noong Oktubre 2022.
Ang TUP-Visayas ang bukod-tanging paaralan sa bansa na nakakuha ng 100 percent passing rate, kung saan nakapasa ang lahat ng 65 first-time takers nito sa nasabing Licensure Examination.
Samantala, dalawa naman mula sa nasabing unibersidad ang kabilang sa listahan ng mga topnotchers sa naturang Licensure Examination. Ito ay sina Christian Rey Dela Cruz (Top 1) na nakakuha ng 94 percent ratings at si Razel Sobrevilla (Top 5) na nakakuha naman ng ratings na 92 percent.
Naungusan ng TUP-Visayas ang national passing rate na 85.16 percent. Habang nasa 2,204 naman ang pumasa mula sa 2,588 takers sa buong bansa.
Samantala, nakuha naman ni Kate Marie Buencochillo mula sa University of St. La Salle (USLS) sa Bacolod City, ang rank 2 sa October 2022 Certified Public Accountant (CPA) Licensure Examination. Kung saan nakakuha siya ng 90.67 passing rate kasunod n Francis Matthew Obligacion ng University of Santo Tomas na may 91 percent passing rate.