Thursday, January 9, 2025

HomeNewsTumulong sa mahihirap, mensahe ng mga Muslim

Tumulong sa mahihirap, mensahe ng mga Muslim

Nasa 6,000 Cebuano Muslim ang nakiisa sa mundo sa pagdiriwang ng Eid’l Adha, o ang Pista ng Sakripisyo, noong Miyerkules, Hunyo 28, 2023, kung saan isang Islamic leader ang nanawagan sa pagpapaabot ng tulong sa mga mahihirap.

Hinikayat ni Datu Abubacar Gunang, Development Management Officer ng National Commission on Muslim Filipinos, ang mga mayayamang Muslim o ang mga may kakayanan na mag-ambag para matulungan ang mga nangangailangan.

“Kailangan ‘yong pagbibigayan at kailangan ‘yong pagsusuportahan,” pahayag nito noong Martes, Hunyo 27.

Sa mga komunidad ng Muslim, ang pamilya na nag-aalay ng hayop ay kumakain ng isang bahagi ng karne, at ang natitirang bahagi ay ibinibigay sa mga nangangailangan at naghihirap bilang isang pagdiriwang ng pagbabahagi.

Inihayag ng Office of Muslim Affairs and Indigenous Cultural Communities (OMAICC) sa Cebu City noong Lunes, Hunyo 26, na sila ay nag-oorganisa ng isang sentralisadong pagdiriwang ng Eid’l Adha bandang alas-7 ng umaga ng Miyerkules sa Plaza Independencia.

Tinataya ng OMAICC na mayroong 6,000 Muslim ang naninirahan sa Cebu City.

Sa hiwalay na panayam kay Dr. Ijodin Saripada Mamacol, Executive Director ng OMAICC, sinabi nila na inaasahan nilang hindi bababa sa 1,300 hanggang 1,600 katao ang dadalo sa pagtitipon.

Sinabi niya na ang pagdiriwang ay magsisimula sa umaga habang umaawit ng Takbir Mursal, o ang “pagpapahayag ng kagalakan at pasasalamat sa mga pagpapala ng Allah.”

Ang pag-awit ay susundan ng Eid’l prayer at pagkatapos ay susundan ng pakikinig sa mga sermon ng isang imam o Muslim prayer leader. Ang isang komunal na pagkain ay ibabahagi pagkatapos.

Ayon sa Republic Act 9849, ang Eid’l Adha, isa sa dalawang pangunahing Islamic feasts, kasama ang Eid’l Fitr, na minarkahan ang pagtatapos ng banal na buwan ng pag-aayuno ng Ramadan, ay dapat ipagdiwang bilang isang regular holiday.

Sinasabi ng batas na ang Eid’l Adha ay idineklara na isang regular na holiday upang payagan ang mga Muslim na “magbigay-pugay sa pinakamataas na sakripisyo ni Abraham at nagpapahiwatig ng pagsunod ng sangkatauhan sa Diyos.”

Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na regular holiday ang Hunyo 28 bilang paggunita sa Eid’l Adha.

Ginawa ni Marcos ang deklarasyon sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 258.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe