Friday, November 22, 2024

HomeHealthTumataas na kaso ng dengue, naitala sa iilang distrito sa Iloilo City

Tumataas na kaso ng dengue, naitala sa iilang distrito sa Iloilo City

Iloilo City – Nakapagtala ng mataas na kaso ng dengue ang dalawang distrito sa Iloilo City sa loob lamang ng apat na magkakasunod na linggo, iyan ay ayon sa City Health Office nito lamang Byernes.

Ayon kay Dr. Roland Jay Fortuna, Assistant City Health Officer, patuloy nilang inoobserbahan ang nasa limang barangay sa Lapuz district na nakapagtala ng tumataas na kaso at ng isang komunidad sa Arevalo district na kinokonsiderang hotspot area ng dengue cases.

Dagdag pa ni Fortuna, kasalukuyan na silang nagsasagawa ng monitoring and evaluation sa mga barangay na mayroong tatlo o higit pang dengue cases sa loob ng apat na linggo.

Kabilang sa mga barangay sa Lapuz district na may tumataas na kaso ng dengue ang Barangay Bo. Obrero na may pitong kaso, Sinikway at Don Esteban na may tig-aapat na kaso habang ang Rizal Sur naman at Mansaya ay may tig-tatatlong kaso with three cases each to have clustering of cases in.

“We are checking on the area to determine if there are stagnant waters. We continue with our misting, hopefully it will be continuous since it is not effective when it rains,” saad pa niya.

Simula Enero 1 hanggang Pebrero 2, nakapagtala ang buong lungsod ng 48 dengue cases; kung saan 12 nito ay kasalukuyan pang ginagamot, habang 29 naman ang nakarekober na, at dalawa naman ang nasawi.

Samantala hinimok naman ni Fortuna ang publiko na huwag isabahala ang maagang mga sintomas ng dengue at makiisa sa pagsira sa posibleng mga breeding area ng lamok upang matigil ang dengue outbreak.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe