Monday, December 23, 2024

HomeLifestyleTravelTourist First Aid Facility, ilalagay sa Isla ng Boracay

Tourist First Aid Facility, ilalagay sa Isla ng Boracay

Isang Tourist First Aid Facility ang ilalagay sa Isla ng Boracay na isa sa mga pangunahing proyekto sa ilalim ng administrasyon ni President Ferdinand R. Marcos Jr. 

Ito ay inihayag ng Department of Tourism sa isinagawang ceremonial signing ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng ahensya at ng Department of Health (DOH) at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Ang Tourist First Aid Facility ay magsisilbing emergency response center para sa mga turistang maaaksidente. Ito ay pangangasiwaan ng mga bihasang healthcare professional at bibigyan ng mga gamot at gamit.

Bukod sa Boracay, plano ring maglagay ng First Aid Facility sa La Union, Siargao, Panglao, Palawan, at Puerto Galera bilang mga pangunahing destinasyon ng turismo sa bansa.

Ang mga inisyatibang ito ay alinsunod sa mga programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging maunlad, payapa at ligtas ang ating bansa tungo sa bagong pilipinas.

Source: Radyo Pilipinas Iloilo

Panulat ni Justine 

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe