Tuesday, December 24, 2024

HomeNational NewsTop NPA Leader, patay sa ikalimang engkwentro sa pagitan ng NPA at...

Top NPA Leader, patay sa ikalimang engkwentro sa pagitan ng NPA at sundalo sa NegOcc

Patay ang isang Top NPA leader sa engkwentro sa pagitan ng mga tauhan ng 94th Infantry Battalion, 3ID, Philippine Army sa Sitio Medel, Brgy Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental nito lamang alas 5:25 ng hapon nitong Oktubre 10, 2022.

Ayon sa mga awtoridad, ito ang ikalimang engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at ng rebeldeng NPA mula noong ika-6 ng Oktubre sa lungsod.

Dagdag pa ng mga awtoridad na muling nakasagupa ng mga sundalo ang nasa 10 miyembro ng NPA matapos silang magsagawa ng hot pursuit operation kaugnay sa nauna pang mga engkwentro.

Tinatayang nagtagal sa 10 minuto ang sagupaan ng dalawang grupo na nauwi sa pagkasawi sa isang lider ng NPA, habang nakatakas naman ang iba pa nitong mga kasamahan.

Kinilala ang nasawi na si Romeo V Nanta alyas Juanito Magbanua/Juaning/Jack, ang kasalukuyang Commanding Officer ng Regional Operational Command ng Komiteng Rehiyon – Negros at ang tagapagsalita ng Apolinario Gatmaitan Command.

Si Nanta ay naaresto noong 2011 sa mga kasong murder, frustrated murder, robbery at damaged to properties. Nasangkot din ito sa iba’t ibang krimeng ikinamatay ng mga sundalo, kapulisan, CAFGU members at mga sibilyan, kabilang na ang pag-ambush sa isang patrol car sa Binalbagan kamakailan lang.

Nakalabas lamang ito matapos magpiyansa ang front organization na CPP-NPA-NDF sa Negros, siyang dahilan upang makabalik ito sa teroristang pakikibaka at nasangkot muli sa iba’t ibang teroristang aktibidad sa probinsya.

Pinuri naman ni Brigadier General Inocencio Pasaporte, 303rd Brigade Commander ang mga operatiba sa katapangan at kabayanihan upang mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.

Samantala, hinimok naman nito ang iba pang mga rebelde na tuluyan ng sumuko habang handa pa ang pamahalaan na tanggapin sila sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). Aniya, ang pamahalaan ay nananatiling bukas upang tulungan silang magbagong buhay at magbalik loob sa gobyerno, ngunit hindi rin ito titigil sa pagtugis sa lahat ng mag rebeldeng patuloy na naghahasik ng krimen at kaguluhan sa mga komunidad.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe