Tuesday, December 24, 2024

HomeRebel NewsTop leader ng NPA, patay sa engkwentro sa Binalbagan, Negros Occidental

Top leader ng NPA, patay sa engkwentro sa Binalbagan, Negros Occidental

Patay ang kinilalang top leader ng New People’s Army sa nangyaring enkwentro sa bayan ng Binalbagan sa lalawigan ng Negros Occidental nito lamang Huwebes, Abril 20, 2023.

Kinilala ang nasawi na si Rogelio Posadas, na kilala din bilang “Putin,” lider ng Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol and Siquijor.

Ayon sa inisyal na report, nakasagupa ng mga tauhan ng 94th at 62nd Infantry Battalion ng Philippine Army ang rebeldeng grupo kasama ang nasawing lider sa nasabing lugar.

Matatandaang nito lamang Oktubre ng nakaraang taon, nasawi din ang Regional Commander ng rebeldeng NPA sa Negros Island na nakasagupa ng mga tauhan ng 94th IB.

Ayon naman sa mga awtoridad, naging matagumpay ang pagtugis sa mga rebelde sa buong lalawigan sa patuloy na pakikipagtulungan ng mga residente sa pamahalaan upang labanan ang terorismo at insurhensya sa buong rehiyon.

Samantala, patuloy naman ang paghimok ng gobyerno sa lahat ng mga rebeldeng kasalukuyan pa ring bahagi sa maling pakikibaka na sumuko na at tuluyang magbalik-loob sa pamahalaan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe