Wednesday, December 25, 2024

HomeRebel NewsTop communist terrorist, 20 iba pa ang na-neutralize sa Northern Samar

Top communist terrorist, 20 iba pa ang na-neutralize sa Northern Samar

Northern Samar — Ang patuloy na mga operasyong militar sa Northern Samar na nagsimula noong Oktubre ng taong ito ay nagresulta sa neutralisasyon ng isang Top communist terrorist ng Eastern Visayas at 20 iba pang miyembro ng communist terrorist group (CTG).

Ang operasyon noong Nobyembre 23 sa Barangay Imelda sa bayan ng Las Navas ay nagresulta sa pagkamatay ni Helenita Pardales, na kilala bilang leader ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC) ng CPP-NPA-NDF.

Lima pang mga terorista ang napatay sa isang joint operation na pinangunahan ng 803rd Infantry Brigade sa ilalim ng superbisyon ng Joint Task Force Storm (8th Infantry Division).

May kabuuang sampung communist terrorists ang napatay sa anim na magkakasunod na engkwentro mula noong Oktubre 7. Sumuko rin ang pitong miyembro ng CTG, apat ang nahuli, at tatlumpu’t walong baril ang nasamsam mula sa kanila.

Ang tagumpay na ito ay inaasahang magreresulta sa pagkawatak-watak ng CTG sa Samar Island at makakaapekto sa kanilang presensya sa mga karatig lalawigan habang ang EVRPC ay nag-uugnay sa mga CTG sa Visayas at Mindanao maging sa Luzon.

Personal na nagbigay ng pagbati si AFP Chief of Staff LtGen Bartolome Vicente Bacarro sa tropa ng 803rd Infantry Brigade sa kanyang pagbisita sa kanilang headquarters sa Brgy Sumoroy, Catarman, Northern Samar noong Nobyembre 24, 2022.

Tiniyak din niya sa mga tropa ang patuloy na suporta ng General Headquarters habang pinapalakas ng AFP ang pagsisikap nitong wakasan ang komunistang armadong tunggalian sa bansa.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe