Sunday, October 6, 2024

HomeNewsTop 5 Most Wanted Person sa Guihulngan City, NegOr, arestado

Top 5 Most Wanted Person sa Guihulngan City, NegOr, arestado

Arestado sa magkatuwang na operasyon ng mga operatiba ng Guihulngan City Police Station at 704th Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion 7 ang Top 5 Most Wanted Person (City Level) sa Negros Oriental nito lamang Martes, Agosto 30, 2022.

Kinilala ang naaresto na si Tito Alcansare, 29, residente ng Sitio Nabuswangan, Brgy. Hibaiyo, Guihulngan City, Negros Oriental.

Si Alcansare ay naaresto ng mga awtoridad bandang alas-5 ng umaga nitong Martes sa kanilang lugar sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Destructive Arson na may Criminal Case No. 22-097-G na inisyu ni Hon. Eric Anthony Dumpilo, Acting Presiding Judge ng RTC 7th Judicial Region Branch 64 Guihulngan, Negros Oriental.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Guihulngan PNP para sa karagdagang dokumentasyon at tamang desposisyon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe