Saturday, November 16, 2024

HomeNewsTop 2 HVI-Regional Level, arestado ng mga awtoridad

Top 2 HVI-Regional Level, arestado ng mga awtoridad

Palo, Leyte- Arestado ng mga tauhan ng Police Regional Office 8 ang isang Top 2 High-Value Individual-Regional Level sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Tacuranga, Palo, Leyte nitong Hulyo 24, 2022.

Kinilala ng mga awtoridad ang naaresto na si Victor Constiniano Militante III, 44 taong gulang, lalaki, may asawa, dating security guard, at residente ng nabanggit na lugar.

Nakabili ang poseur buyer sa suspek ng isang piraso ng heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang “shabu” na nagkakahalaga ng Php20,000.00. Pagkatapos ng transaksyon, isinagawa ang paghahanap na may kinalaman sa legal na pag-aresto na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mga sumusunod: isang itim na pouch na naglalaman ng mga sumusunod: labing-anim na piraso ng heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu; isang piraso ng Php500.00 bill na ginamit bilang buy-bust money; digital weighing scale; isang unit na 9mm pistol na may anim 9mm na live ammunition at isang magazine para sa 9mm; isang unit shotgun na may limang 12 gauge live ammunition; at isang Dapple color black bag.

Naisagawa ang nasabing operasyon sa joint operation ng mga operatiba mula sa Regional Police Drug Enforcement Unit 8 sa pangunguna ni Police Captain Renoli C Bagayao, Deputy Chief; 805th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 sa pangunguna ni Police Captain Joet Micah O Evangelista, at Palo Municipal Police Station sa pangunguna ni Police ieutenant John Paul Silva, Team Leader, Station Drug Enforcement Unit, Provincial Drug Enforcement Unit-Leyte Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Major J-Rale O Paalisbo, Team Leader; Regional Intelligence Division 8, Regional Intelligence Unit 8; at Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 8 at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency 8.

Dinala sa Regional Forensic Unit 8 ang mga nakumpiskang ebidensya kasama ang mga loose firearms para sa karagdagan pang pagsusuri.

Sa kabuuan, may timbang na 22.52 gramo ang nakumpiskang droga batay sa pagsusuri sa laboratoryo ng Forensic Chemist.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Seksyon 5 at Artikulo II ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe