Matapos ang ilang araw na pagtatago sa batas, tuluyan ng naaresto ng mga kapulisan ang Top 10 Most Wanted Person sa Lapu-Lapu City nitong Martes, Agosto 16, 2022 sa Sitio Ceres Road Barangay Gun-ob, Lapu-Lapu City.
Kinilala ang naarestong suspek na si Harry Delantar Abellanosa, 36 taong gulang, call center agent at residente ng nabanggit na lugar.
Base sa ulat, dinakip si Abellanosa sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa section 5 (b) ng Republic Act 7610.
Ang nasabing warrant of arrest ay magkatuwang na inihain ng mga tauhan ng Police Station 3, Lapu-lapu City Police Office, at TSC, RMFB7.
Si Abbellanosa ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Lapu-lapu City Police Office detention facility para sa karagdagang dokumentasyon at sa nararapat na disposisyon.