Saturday, October 5, 2024

HomeNewsTop 1 Most Wanted Person sa Cebu, arestado sa kasong carnapping at...

Top 1 Most Wanted Person sa Cebu, arestado sa kasong carnapping at robbery

Nasikop ng mga awtoridad ang tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa Cebu sa kasong carnapping at robbery.

Ang naaresto na kinilalang si Emma Anglit, 52, residente ng Barangay Capitol Site, Cebu City ay nahuli ng mga operatiba ng Highway Patrol Group sa Barangay 6, bayan ng Tuburan, midwest Cebu, alas-10 ng umaga noong Lunes, Oktubre 17, 2022.

Samantala, ang kanyang anak, na umano’y kasama nito sa mga naturang krimen ay pinaghahanap na ng mga awtoridad sa mapag-alaman na nagtatago sa isang lugar sa Negros Oriental.

Saad naman ni Police Colonel Niel Prancia, Hepe ng Criminal Investigation and Detection Group Central Visayas (CIDG 7), sina Anglit at ang kanyang anak ay sinampahan ng kasong carnapping at robbery noong Hulyo 2022 ng anak ng live-in partner ni Emma dahil sa pagnanakaw ng kanyang motorsiklo at iba pang mga mahahalagang bagay sa loob ng kanilang bahay.

Hatid ng naturang insidente naitala ang mag-ama bilang una at pangalawa sa talaan ng Most Wanted Person Provincial Level.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe