Sta Fe, Leyte – Naaresto ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) sa isinagawang manhunt operation ng mga operatiba ng CIDG RFU8/SOT kasama ang Sta. Fe MPS sa Brgy. Katipunan, Sta. Fe, Leyte noong Miyerkules, Hulyo 13, 2022
Kinilala ng mga awtoridad ang naaresto na si Orico Palamos y Salazar, 46 taong gulang at residente ng Brgy San Roque, Sta. Fe, Leyte.
Si Salazar ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng sec. 5(b) ng R.A. 7610 na may Criminal case CC# R-TAC-22-00615-CR noong Hulyo 5, 2022 na inisyu ni Hon. Irene T Pontejos, Presiding Judge ng Branch 7, Tacloban City, Leyte at may Php200,000.00 na inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang naarestong akusado ay dinala sa Sta Fe MPS para sa booking, dokumentasyon at tamang disposisyon bago itinurn-over sa court of origin nito.
Hinihikayat naman ng CIDG Director ang publiko na patuloy na suportahan ang PNP sa patuloy na pagsisikap nito upang sugpuin ang kriminalidad.