Nananatiling mataas ang tiwala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kabila ng mga ulat na may destabilization plot laban sa administrasyon.
Nanawagan pa rin ang Punong Ehekutibo sa pulisya at militar na manatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin at isantabi ang pulitika.
“Kahit hindi mo ako binoto okay lang sa akin basta’t maging professional ka. Gawin mo ‘yung trabaho mo nang tama. Iyon lang naman ang hinihiling ko sa lahat ng pulis, sa lahat ng Armed Forces,” ani President Marcos.
Ito ang sinabi ng Pangulo sa habang namamahagi ng mahigit Php110 milyong tulong pinansyal sa mga magsasakang tinamaan ng El Niño at mangingisda sa General Santos, South Cotabato at Sarangani Province ng hingan ng reaksyon sa umano’y destabilization plot.
Nagpahayag din si Pangulong Marcos ng patuloy na tiwala sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa mga aktibong matataas na opisyal, nanindigan si Pangulong Marcos na hindi niya nakikita, o natatanggap ang mga ulat ng kanilang diumano’y pagkakasangkot sa isang balak na i-destabilize ang kanyang pamumuno.
Sa kanyang pagbisita sa General Santos, tiniyak ni Pangulong Marcos sa mga magsasaka at mangngisda ang patuloy na suporta mula sa pamahalaan sa gitna ng patuloy na pananalanta ng El Niño phenomenon sa Pilipinas. PND
Photo Courtesy by RTVM