Matagumpay na inilunsad ang Tim-os nga Obra Art Exhibit sa Handumanan Museo de Calbayog nitong Setyembre 6, 2023.
Dumalo sa nasabing aktibidad si Hon. Rex Daguman, Calbayog City Vice-Mayor, Ms. Salome Roleda, Head ng CACO o Calbayog City Arts and Culture Office, Mr. Noel Sagayap, at iba pang mga artist.
Matutunghayan ang mga obra na likha ng mga miyembro ng BAGHID Eastern Visayas Young Visual Arts Association na itinatag ni Mr. Aris Ventures na isa sa mga kilalang artist sa Calbayog City.
Ang mga miyembro ng Baghid ay mula sa iba’t ibang lugar. Ang nasabing Exhibit ay may temang Mother & child bilang paggunita sa mga ina. Ang anumang mabibiling Obra sa nasabing Exhibit, ang (90%) nubenta porsiyento nito ay mapupunta sa lumikha at ang (10%) sampung porsiyento ay mapupunta sa BAGHID.
Samantala, pinuri naman ni Vice-Mayor Daguman ang ginagawa ng Baghid na maging inspirasyon at mag patuloy sa paggawa ng mga obra at nakikita nito ang kanilang potensyal para lumawak pa sa buong Pilipinas.