Thursday, January 23, 2025

HomeHealthTigdas at Polio Vax Drive, target ang 1M na mga bata sa...

Tigdas at Polio Vax Drive, target ang 1M na mga bata sa Eastern Visayas

Inaasahan ng Department of Health (DOH) na bigyan ng bakuna laban sa tigdas at oral polio ang mahigit isang milyong bata sa Eastern Visayas sa buwanang immunization drive nito sa darating na Mayo.

Sasaklawin ng aktibidad ang 471,472 bata (9 buwan hanggang 50 buwang gulang) para sa tigdas at 550,559 bata (0 hanggang 59 buwang gulang) para sa polio.

“This campaign aims to prevent an impending outbreak and the continuous rise of measles and polio cases in the country,” sabi ni Elena Villarosa, DOH 8 (Eastern Visayas) national immunization program manager, sa isang panayam noong Huwebes, Marso 23, 2023.

Nagsagawa ang DOH ng preparatory workshop at microplanning sa limang batch para sa mga health worker sa Biliran, Southern Leyte, Samar, Eastern Samar, Northern Samar, Leyte, Tacloban City, at Ormoc City.

Tiniyak ni Villarosa sa publiko na ligtas at epektibo ang mga bakunang ginagamit sa immunization campaign ng gobyerno laban sa tigdas-rubella at polio.

Ang tigdas ay isa sa mga nakakahawang sakit sa mundo. Sintomas nito ang mataas na lagnat, pantal, ubo, sore eyes, at runny nose at maaaring humantong sa mga komplikasyon gaya ng pneumonia, pagkabulag, matinding pagtatae, pamamaga ng utak, at maging kamatayan.

Sinabi ng DOH na walang tiyak na paggamot para sa tigdas at polio, at ang tanging maaasahang proteksyon ay sa pamamagitan ng pagbabakuna.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe