Thursday, November 7, 2024

HomeRebel NewsTeroristang NPA nasawi sa engkwentro sa Himamaylan City, Negros Occidental

Teroristang NPA nasawi sa engkwentro sa Himamaylan City, Negros Occidental

Himamaylan City, Negros Occidental- Nasawi ang isang miyembro ng National People’s Army sa engkwentrong naganap sa pagitan ng mga tropa ng 94th Infantry Battalion at ng mga rebelde nitong Agosto 10, 2022 sa Sitio Bulasot, Brgy Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental.

Ayon sa mga awtoridad nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga residente na may mga NPA na nangingikil sa nasabing lugar. Agad na nagsagawa ng operasyon ang grupo na nagresulta sa 40 minutong bakbakan.

Nasawi sa bakbakan ang hindi pa nakikilalang NPA personality habang nakumpiska naman ang isang (1) M16 rifle na may apat na (4) magazine at live ammunition, isang (1) magazine para sa M14 na may live ammunition din, at ibat ibang mahahalagang dokumento.

Pinuri naman ni Brigadier General Inocencio Pasaporte, 303rd Infantry Brigade Commander ang mga tauhan ng 94th Infantry “Mandirigma” Battalion sa pamumuno ni Lt.Colonel Van Donald Almonte, Battalion Commander, at pinasalamatan ang mga lokal na residente ng Barangay Buenavista, Himamaylan, Negros Occidental sa pakikipapagtutulungan nito sa mga sundalo na nagresulta sa matagumpay na operasyon.

“It only shows that the locals are already fed up with the NPA terrorist lies, deceptions, and “extortion activities” in their community who have no other agenda but only to terrorize and extort them,” dagdag pa ni BGen Pasaporte.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe