Wednesday, January 8, 2025

HomeNewsTatlong lalawigan ng Samar, malaya na sa impluwensya ng NPA

Tatlong lalawigan ng Samar, malaya na sa impluwensya ng NPA

Malaya na sa impluwensya ng New People’s Army (NPA) ang tatlong lalawigan ng Samar matapos ang ilang taon na Whole-of-Nation efforts laban sa insurhensiya.

Sa isang peace and development dialogue sa kapitolyo ng probinsya nitong Lunes, Mayo 6, 2024, pinuri ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga lokal na opisyal at pwersa ng gobyerno sa kanilang pagsisikap na lipulin ang armadong pakikibaka.

“Nais kong papurihan ang mga pulisya, militar, gobernador, alkalde, at mga opisyal ng Samar para sa kanilang pagsisikap upang matapos ang insurhensiya sa lugar. Bunga at resulta ng gawaing ito ay hindi na makakabangon ang mga rebelde, kahit umalis ang ating government forces sa lugar”, sabi ni Abalos.

Sinabi ni Philippine Army’s 8th Infantry Division Commander Maj. Gen. Camilo Ligayo na walang isang baryo sa tatlong probinsya ng Samar ang nasa ilalim ng impluwensya ng NPA ngayong taon.

“Mga bandido silang gumagala na walang suporta mula sa sinumang opisyal ng barangay at lokal. Ang mga tumatakbo sa kabundukan ay mga labi ng mga front at yunit ng NPA,” sabi ni Ligayo.

Nauna nang iniulat ng militar na humigit-kumulang 1,000 komunidad sa Eastern Visayas ang naimpluwensyahan ng NPA bago nabuo ang task force para wakasan ang local communist armed conflict noong 2018. Karamihan sa mga lugar na ito ay nasa tatlong probinsya ng Samar.

Sinabi ni Northern Samar Governor Edwin Ongchuan sa kanilang lalawigan, ang mga sumuko ay naorganisa bilang mga peacebuilder, nagtatrabaho bilang mga manggagawang bukid, at nabigyan ng libreng pabahay.

“Hinihikayat ng mga interbensyon na ito ang mga miyembro ng NPA na sumuko at maging tagabuo ng kapayapaan,” sabi ni Ongchuan.

Sa ngayon, mayroong 50 dating rebelde sa Northern Samar na nakalista bilang mga manggagawang bukid, na kumikita ng Php350 araw-araw na sahod.

Nagtatanim sila ng mga pananim sa loob ng apat na ektaryang bukirin sa nayon ng Cablagan sa bayan ng Mondragon, ang parehong lugar kung saan itatayo ang mga bahay para sa mga dating rebelde.

Samantala, hiniling ni Ongchuan sa pambansang pamahalaan na magtayo ng isang circumferential road sa tri-boundaries ng Samar upang matiyak ang pagpapatuloy ng mga pagsisikap laban sa insurhensiya.

“Kami ang huling balwarte ng insurhensiya at ang pagtatapos ng insurhensiya ay isang malaking hamon, lalo na sa mga hangganan ng tatlong lalawigan ng Samar,” aniya.

Ang iminungkahing kalsada ay mag-uugnay sa mga bayan ng Silvino Lubos at Las Navas sa Northern Samar hanggang Matuguinao sa Samar at Jipapad sa Eastern Samar

Ang pamahalaan ay patuloy na gumagawa ng paraan upang tulungan ang mamamayan sa pamamagitan ng mga programa ng gobyerno para makamit ang maayos, ligtas at payapang pamumuhay tungo sa Bagong Pilipinas.

Panulat ni Cami

Source: PNA

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe