Sunday, November 24, 2024

HomeSportsTatlong araw na Cycling Competition, isasagawa sa Southern Leyte

Tatlong araw na Cycling Competition, isasagawa sa Southern Leyte

Nakahanda na ang pamahalaang panlalawigan ng Southern Leyte sa pakikipagtulungan ng Maasin City Cycling Club para sa isasagawang Tour de Southern Leyte sa Hunyo 24-26, 2023.

Naiulat na ang tatlong araw na kompetisyon sa pagbibisikleta ay sumasaklaw sa kabuuang 404 kilometrong ruta sa buong lalawigan ng Southern Leyte na nahahati sa tatlong yugto.

Una rito ay ang 136 kilometrong ruta mula sa lungsod ng Maasin hanggang Sogod, Saint Bernard, San Juan, Anahawan, Hinundayan at hihinto sa Hinunangan.

Para sa Stage 2, babaybayin ng mga elite road bikers ang 156 kilometrong ruta mula Hinunangan, Silago, pabalik sa Hinunangan hanggang Saint Bernard sa pamamagitan ng Diversion Road, Liloan, San Francisco, Pintuyan, San Ricardo at titigil sa Liloan.

Habang para sa panghuling ruta, tatahakin ng mga kalahok ang 109 kilometrong kalsada mula Liloan hanggang Libagon, Sogod, Bontoc, Tomas Oppus, Malitbog, Padre Burgos, Macrohon at tatapusin ang kompetisyon sa lungsod ng Maasin.

Aabot umano sa 160 million pesos ang kabuuang premyo na ibibigay sa mga mangunguna sa naturang Tour de Southern Leyte 2023.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-63 Founding Anniversary ng lalawigan ng Southern Leyte.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe