Saturday, November 23, 2024

HomeNewsTarpaulin na nakolekta matapos ang halalan ginawang school bags sa Cebu

Tarpaulin na nakolekta matapos ang halalan ginawang school bags sa Cebu

Sa halip na sirain naging mas kapakipakinabang ang mga tarpaulin na ginamit ng mga kumandidato nitong nakaraang halalan sa Mandaue City, Cebu matapos gawing bag ng sectoral organization na KAABAG Mandaue, na itinatag ng Mandaue City Mayor Jonas Cortes ang mga tarpaulin.

Sinabi ni KAABAG Mandaue President Karla Victoria Cortes, ang mga bag ay nakatakdang ibigay sa mga elementary students’ ng mga paaralan sa lungsod.

Ang proyekto ay naglalayon na tumulong sa paglilinis ng lungsod at protektahan ang kapaligiran.  Kasabay nito ay tumulong sa mga bata na walang kakayahang bumili ng mga bag.

Ang mga tauhan mula sa Mandaue City College Technological Entrepreneural Skills Training Center (MCTEST) ang gumawa ng mga sample bag habang ang Tipolo Creekside Urban Poor Home Owner Association (TICUPHAI) ay mass-producing ng mga bag.

Source: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=368029208690430&id=100064500622008

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe