Friday, November 22, 2024

HomeSportsTapales nagsasanay sa Cebu para sa nalalapit na laban sa US

Tapales nagsasanay sa Cebu para sa nalalapit na laban sa US

Cebu City— Kasalukuyang nag-eensayo sa Big Yellow Boxing Gym sa Cebu City si dating World Boxing Organization (WBO) world bantamweight champion at kasalukuyang IBF No. 1 contender Marlon “Nightmare” Tapales para paghandaan ang nalalapit niyang laban sa United States.

Mahigit ilang lingo nang nagsasanay si Tapales upang ihanda ang sarili para sa mas mahigpit na training sa kanyang paglipad pabalik sa Estados Unidos.

Bagama’t hindi pa inaanunsyo ang kalaban ng 30-anyos na si Tapales, puspusan na ang ginagawa niyang pagsasanay sa nakalipas na ilang buwan.

Ito ay dahil ang kanyang world title shot laban kay WBA at IBF world bantamweight champion Murodjon Akhmadaliev ng Uzbekistan ay naudlot sapagkat lumaban si Akhmadaliev kay Ronny Rios.

Ang pagsasanay ni Tapales sa Cebu ay hindi na bago. Ang tubong Tubod, Lanao del Norte ay dating nakabase sa Cebu sa ilalim ng Rex Wakee Salud (RWS) Gym kung saan itinayo niya ang kanyang karera at nanalo ng world title noong 2016 bago siya lumipad sa Estados Unidos sa ilalim ng Sanman Boxing Promotions na nakabase sa General Santos City.

May hawak siyang record na 36 na panalo na may 19 na knockout at 3 pagkatalo. Ang kanyang pinakahuling tagumpay ay laban kay Jose Estrella ng Mexico noong Mayo sa Dignity Health Sports Park sa Carson City, California.

Isa si Tapales sa limang Pinoy na ngayon ay top-ranked sa kani-kanilang weight divisions at in-line bilang mandatory world title challengers.

Isa rin si Tapales sa mga Pinoy boxer na gustong wakasan ang world title drought para sa Philippine boxing matapos ang huling natitirang world champion sa WBC world featherweight king na si Mark Magsayo ay pinatalsik sa trono noong Linggo ng Mexican na si Rey Vargas sa pamamagitan ng split decision sa San Antonio, Texas.

Kabilang sa Filipino top contenders sina dating world champion Johnriel Casimero (WBO bantamweight), Jade Bornea (IBF super flyweight), Melvin Jerusalem (WBO minimumweight), at Vic Saludar (WBA minimumweight).

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe