Monday, January 27, 2025

HomeNewsTama ng bala sa puso, dahilan ng pagkamatay ng gobernador ng NegOr

Tama ng bala sa puso, dahilan ng pagkamatay ng gobernador ng NegOr

Nagtamo ng 11 tama ng bala sa katawan ang yumaong Negros Oriental Governor Roel Degamo, ayon sa resulta ng autopsy na isinagawa ng regional forensic unit ng Philippine National Police.

Sinabi ni Pamplona Mayor Janice Degamo, asawa ng napatay na opisyal, ang tama ng bala sa puso ng gobernador ay napatunayang pinakanakamamatay.

“There are 11 bullet wounds but the heart wound is the most lethal. The doctor said the heart is beyond repair. Sabi niya habang ang mga binti, gulugod, braso at iba pang parte ng katawan ay kayang iligtas, ang ating puso ay hindi,” sabi nito.

Ang mga baril at pampasabog na narekober sa apat na suspek sa follow-up operation sa Barangay Cansumalig, Bayawan City ay sumailalim sa ballistic examination at lumabas sa resulta na ginamit ito sa mga pagpatay kay Degamo at walo pang katao sa kanyang residential complex sa bayan ng Pamplona noong Sabado, Marso 4, 2023.

Kasama sa mga nasamsam na armas ang limang assault rifles, isang B40 RPG grenade launcher at mga bala.

Nagpahayag ng kasiyahan si Janice sa mga naging development ng kaso, tulad ng pagsasampa ng kaso ng Special Investigation Task Group ng Degamo Case laban sa mga akusado at ang sinumpaang deklarasyon ng mga suspek na nagpapakilala sa kanilang utak.

“Kami ay nalulugod sa development dahil ang mga pagkakakilanlan na ibinigay ay nag-tutugma sa mga suspek na iniisip namin,” sabi niya.

Sumang-ayon ang pamilya Degamo kay Vice President Sara Duterte sa pag-iisip na ang pangunahing motibo ng insidente ay pulitika at dapat isaalang-alang ang pulitika sa imbestigasyon.

Nang tanungin tungkol sa kanyang reaksyon sa mga pahayag ni Negros Oriental Third District Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., sinabi ng alkalde na nagulat siya kung bakit siya naging defensive sa kanyang mensahe.

Itinanggi ni Teves ang mga tsismis na ang kanyang pamilya, partikular na siya at ang kanyang kapatid, ang nasa likod ng brutal na pagpatay sa gobernador at walong iba pa.

Sa isang video statement na ipinost niya sa kanyang Facebook page noong Lunes, Marso 6, 2023, itinanggi ni Teves ang mga alegasyon ng kanyang mga kritiko lalo na ang mga itinuturing niyang, “Kung mayroon akong intensyon o kakayahan na gawin iyon, tandaan lamang — kung mayroon akong intensyon at kakayahan na gawin iyon, dapat ay ginawa ko na ito bago magsimula ang halalan,” sabi ni Teves.

“Ano ang motibo ko? Hindi rin kami makikinabang dito ng kapatid ko (Degamo’s death). Kung mamatay ang gobernador, ang bise gobernador na ang uupo sa puwesto ng una,” dagdag pa nito.

Ang kapatid ng kongresista ay tumakbo laban kay Degamo noong Mayo 2022 na Lokal at Pambansang Halalan at naiproklama siyang nagwagi hanggang sa binawi ng Commission on Elections ang kanyang tagumpay.

Umaasa si Janice na ang mga reporter mula sa iba pang media outlets sa labas ng Negros Oriental ay sundan ang kuwento sa halip na i-dismiss ito.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe