Saturday, November 23, 2024

HomeNewsTacloban City PNP, hihigpitan ang kampanya laban sa Human Trafficking

Tacloban City PNP, hihigpitan ang kampanya laban sa Human Trafficking

Tacloban City – Hihigpitan ng buong puwersa ng Tacloban City Police Office ang pangangampanya laban sa Human Trafficking sa lungsod ng Tacloban.

Ayon kay Police Major Marjorie Manuta, tagapagsalita ng TCPO, umabot sa 138 barangay sa lungsod ang nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga Barangay Officials, Intelligence Community, at mga residente ng bawat barangay para mamonitor ang mga aktibidad sa kanilang lugar kaugnay sa mga illegal recruitment.

Sabi ni PMaj Manuta, maging ang mga off-duty na pulis ay patuloy pa rin ang trabaho sa kani-kanilang barangay para maglibot at magbantay kung may mga insidente ng Human Trafficking.

Sa tanggapan ng mga himpilan ng pulisya, partikular na nakatutok ang Women and Children Protection Desk (WCPD) sa aspetong ito, ngunit sinusuportahan din ito ng buong TCPO sa panahong kailangan ng karagdagang pwersa.

Upang maging maingat ang publiko, nagsasagawa ng lecture ang mga Pulis sa mga barangay upang malaman ng mga tao kung ano ang mga aktibidad ng mga human trafficker at kung paano ito maiiwasan.

Panawagan ni PMaj Manuta sa publiko, huwag magpadalos-dalos sa mga recruiter, dapat ipaliwanag muna sa Barangay, Pulis, at DOLE kung lehitimo o hindi ang recruitment.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe