Palo, Leyte- Malapit nang simulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 8 ang Tacloban City Causeway na tinaguriang isa sa mga priority infra projects sa Eastern Visayas bago matapos ang taong 2022.
Ang Tacloban City Causeway ay may kabuuang halaga ng proyekto na Php3, 4692 bilyon at itatayo sa ibabaw ng Cancabato Bay na nagdudugtong sa Tacloban City Hall area sa Kataisan point ng DZR Airport area sa Barangay San Jose, Tacloban City.
Ito ay magsisilbing alternatibong ruta para sa mga motorista mula sa city proper na papunta sa airport, na pinababang travel distance, oras, vehicle operation cost, at mga road incidents.
“Ayon sa Planning and Design Division (PDD), ang oras ng paglalakbay gamit ang orihinal na ruta ay karaniwang tumatagal ng hanggang 45 minuto, pero pag nagawa na ito, aabot nalang hanggang 10 minuto”, sabi ni Regional Director Allan S. Borromeo.
Ang causeway na ito na isang 4-lane road embankment ay umaabot ng humigit-kumulang hanggang 2.557-kilometro ang haba at may tulay na umaabot hanggang 180 metro. Ang proyektong ito ay mayroon ding magkahiwalay na bike lane, concrete canals, sidewalks, pati na rin ang mga wave deflector sa magkabilang side.
“This project is expected to offer an improved path user experience that attracts the local community and tourists, and will soon cater as an infrastructure that can be used by motorists seeking for a scenic drive, and by locals who prefer walking, running, and biking,” dagdag ni RD Borromeo.
“Causeway project is designed to be sturdy in order to endure harsh site location and high humidity, as well as somehow serve as protection for nearby communities against the wrath of nature such as erosive tidal movements brought by weather disturbances”. Aniya pa.
Para sa Fiscal Year 2022, ang DPWH 8 ay magtatayo ng 0.586 kilometro ng Tacloban City Causeway na may alokasyon na Php990 milyon. Ang natitirang bahagi ng proyekto ay imumungkahi sa FY 2024 at higit pa.