Murcia, Negros Occidental- Matagumpay na pinasinayaan ang Swine Artificial Insemination Center sa CPSU Extension Compound nitong Setyembre 15, 2022 sa Brgy. Salvacion, Murcia, Negros Occidental.
Ang naturang proyekto ay inisyatibo ng Provincial Government ng Negros Occidental at ng Local Government Unit ng Murcia.
Ang nasabing center ay inaasahang mapaganda ang kalidad ng livestock industry ng lalawigan sa pamamagitan ng genetically improved livestock gamit ang mga dekalidad na breeding materials.
Ang naturang inagurasyon ay pinangunahan ni Gov. Bong Lacson, Board Member Andrew Montelibano, Murcia Mayor Victor Gerardo Rojas, at OIC Provincial Veterinarian, Dr. Placeda Lamena.
Samantala kasabay ding pinasinayaan sa parehong araw ang Brgy. Salvacion Farmers at Hog Raisers Association (BASAFHA) Meat shop sa parehong bayan.