Friday, November 8, 2024

HomeNewsSuyac Island sa Sagay City, nabigyan ng Php1.5-M aid para sa pagpapaganda...

Suyac Island sa Sagay City, nabigyan ng Php1.5-M aid para sa pagpapaganda ng mga pasilidad nito

Nakakuha ng tinatayang nasa Php1.5 milyong halaga ng tulong pinansyal ang Suyac Island, na isa sa mga internationally known Mangrove Eco-Park sa bansa na matatagpuan sa Sagay City, Negros Occidental mula sa Berkeley, California-based non-profit organization na Seacology.

Ang naturang tulong ay inaasahang mapupunta sa pagpapaayos at pagpapaganda ng mga pasilidad nito, pati na rin sa pagdadagdag ng mga kinakailangang kagamitan sa pagpapatuloy sa operasyon ng nasabing mangrove eco-park.

Ang Suyac Island ay matatagpuan sa lungsod ng Sagay, na mapupuntahan lamang sa loob ng 10 hanggang 15 minutos mula sa mainland city.

Nakatanggap na rin ang Suyac Island Mangrove Eco-Park ng iilang mga pagkilala sa loob at labas ng bansa. Kabilang na riyan ang good practice for sustainable tourism development na iginawad ng Tourism Promotions Board. Ang isla ay isa rin sa mga Pearl Awards recipient ng “Best Practices on Community-based Responsible Tourism Category”.

Nanalo din ang Suyac island bilang second place sa Nature and Scenery Category para sa istorya nitong “Mangrove Forest Protection through Community-based EcoTourism Project”; naipanalo din nito ang People’s Choice Award para sa Green Destinations Story Awards sa Internationale Tourismus-Börse sa Berlin, Germany nito lamang Marso ngayong taon.

Kabilang din ang isla sa world’s Top 100 “Green Destinations” list sa taong 2022, na iginawad naman ng Green Destinations Foundation na nakabase sa bansang Netherlands.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe