Saturday, December 28, 2024

HomeNewsSuspek sa serye ng mga nakawan sa Bohol, patay sa hot pursuit...

Suspek sa serye ng mga nakawan sa Bohol, patay sa hot pursuit operation

Patay ang hinihinalang suspek sa sunod-sunod na insidente ng robbery sa Bohol sa naganap na engkwentro sa Alicia, Bohol pasado alas-5 ng hapon noong Huwebes, Hulyo 28, 2022.

Nakilala ang suspek na si Victor Aguilar, 41, mula sa Barangay Sagasa, Balilihan, Bohol batay sa mga dokumentong nakuha sa kanyang pitaka.

Nabatid na si Aguilar ay nagmamaneho ng Bajaj nitong motorsiklo ng walang helmet, nang hilingin sa kanya ng mga pulis ng bayan ng Alicia na nagsasagawa ng checkpoint na huminto, ngunit sa halip na huminto, mabilis nitong pinatakbo ang kanyang sinasakyang motor, dahilan upang habulin siya ng mga awtoridad.

Dahil sa naganap na insidente, agad na nakipag-ugnayan si Police Lieutenant Wilson Orapa, hepe ng Alicia Police Station, sa kanilang mga karatig na himpilan upang maglagay ng mga harang sa kalsada laban sa suspek.

Sa mabilis na pagresponde ng mga kapulisan, ang suspek na si Aguilar ay nakasalubong ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit sa pamumuno ni Lieutenant Colonel John Kareen Escober sa Sitio Cantugop, Barangay Napon, Alicia, kung saan naganap ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Nakuha mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang cal .45 pistol at mga basyo ng bala.

Samantala, lumalabas naman sa imbestigasyon na ang suspek at ang gamit nitong motorsiklo ay nagtugma sa mga video clip sa CCTV na nakuha ng mga pulis mula sa mga lugar sa Bohol kung saan may nangyaring nakawan.

Napag-alaman din na ang suspek ay dati na ring nasampahan ng mga kaso na humantong sa kanyang pagkakakulong.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe