Saturday, October 5, 2024

HomeNewsSuspek sa pananaga, timbog sa Compostela, Cebu

Suspek sa pananaga, timbog sa Compostela, Cebu

Arestado ng mga awtoridad sa hot pursuit operation ang suspek na responsable sa pananaksak sa Sitio Batching, Brgy. Cabadiangan, Compostela, Cebu nito lamang Martes, Setyembre 13, 2022.

Kinilala ang suspek na si Albert Locañas Bautista habang ang biktima naman ay si Dante Mag-aso Villarubia.

Sa inisyal na imbestigasyon na inilabas ng Compostela Police Station Dagdag, natutulog lamang ang biktimang sa kanyang inuupahang bahay, nang bigla na lang pasukin ng suspek at walang awang pinagsasaksak gamit ang kutsilyo na siyang dahilan ng agarang pagkamatay nito. Inaalam naman ng kapulisan ang motibo ng suspek sa naturang krimen.

Kasalukuyan ng nasa pangangalaga ng Compostela Police Station ang suspek habang patuloy pang inaalam ng istasyon kung mayroon pang outstanding warrant of arrest ang suspek maliban sa kakaharapin nitong kaso.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe