Timbog sa ikinasang hot pursuit operation ng mga operatiba ng Danao City Police Station ang suspek sa nangyaring pamamaril sa Danao City, Cebu nito lamang Setyembre 11, 2022.
Pasado alas-4 ng hapon nitong Linggo nang tuluyang nasakote ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Crisanto Casinao sa Brgy. Sabang Danao, Cebu.
Si Casinao ang tinuturing responsible sa likod ng pamamaril na naganap noong Setyembre 10, 2022 sa Brgy. Tuburan Sur, Danao City,Cebu na ikinamatay ng isang biktima habang ang isa ay kasalukuyan pang nagpapagaling sa hospital.
Kasabay ng pagkakaaresto ng suspek ang pagkakumpiska sa kanya ng isang unit ng .45 calibre pistol na hinihinalang ginamit sa naturang krimen.
Ang suspek ay kasalukuyan ng nasa kostudiya ng mga kapulisan habang inihahanda ang karampatang kaso na isasampa sa kanya.